Monday, November 29, 2004

Sunday 11/21/2004 8:06:20pm
Name:
shinandona
URL:

E-Mail:

Comments:
its been a year..... nov 18 and nov 25?


anong it's been a year? ano ang mga pangyayari sa mga panahong ito? teka biglang pumasok sa isipan ko. parang kilala ko ito. nagcha-chat ka ba sa mIRC ineng? kapangalan mo ba yung baka sa GTO?
____________________
present... future...

Thursday, November 18, 2004

Magandang araw mga lolo't lola... eto po ang inyong lingkod, si Guru Andres... officially launching "Dear Guru Andres" Ver.1.0... sa aking gulat, marami po sa mga bumibisita dito sa aming website ang walang hiyang kumuha ng email ko ng alang paalam at bigla na lang pinaggaginamit sa mga porno site kaya naman napuno ng spam ang inbox ko... pero meron din namang mga nilalang, sa kung anong mang di ko maintindihang dahilan, ang nag-email sa akin ng kanilang mga saloobin tungkol sa magulo ngunit makulay nilang buhay... hayaan nyo kong ilahad ang kanilang mga liham, na syang opisyal na pagsisimula ng "Dear Guru Andres" Ver 1.0...

Dear Guru Andres,

May ihihingi akong payo sa iyo kaya sana mabigyan mo ako ng magandang sagot sa problema ko. Simple lang naman eh. Naguguluhan lang kasi ako. Ang fish ball ba ay bayag ng isda?
O sige hanggang sa muli!

Doc Rina

********************

Dear Doc Rina,

Napaghahalata sa tanong mo na isa kang malaswang babae, at wala kang nasasa-isip kung hindi mga itlog ng lalake. Malamang isa kang pokpok. Gayun pa man ay sasagutin ko ang iyong katanungan, dahil mukhang tatanga-tanga ka talaga. Para sa iyong kaalaman, ang fish ball ay hindi bayag ng isda. Sana ay naliwanagan ka sa aking sagot, at aasahan ko ang iyong muling pagsulat.

Para sa iyo, Doc Rina:
Y.E.M.E.N. - Yugyugan Every Morning, Every Night.Nagmamahal forever,

Guru Andres

********************

Dear Guru Andres,

Isa akong 38-years old na babae, single at mayaman. Pagkatapos ng mahabang panahong tigang, may nanliligaw ulit sa akin ngayon, si Romy. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya masyadong gusto dahil, uhm, pangit siya. Ngunit sa edad kong ito, nais ko na sanang makapag-asawa, at baka si Romy na ang last chance ko. Ano ang aking dapat gawin?

Jogalyn

********************

Dear Jogalyn,

Huwag ka nang mag-inarte at sigurado akong hindi ka naman kagandahan. Pangalan mo pa lang jologs na jologs na. Magpasalamat ka na lang at may gusto pang pumatol sa 'yo kahit guranggutan ka na. Anyway, hindi mo dapat isipin na si Romy na ang last chance mo para lumagay sa tahimik, Jogalyn. Dahil hindi ka naman papakasalan nun, pera mo lang ang habol
niya at iiwanan ka din balang-araw. Huwag ka nang mag-ilusyon na makapag-aasawa ka pa at dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na na tatanda kang dalaga habangbuhay. Sana ay napaligaya ka ng aking tugon sa iyong problema.

Para sa iyo, Jogalyn:
B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give.

Nagmamahal forever,

Guru Andres

********************

Dear Guru Andres,

Isa akong gwapong chickboy at dalawa ang aking girlfriends. Minsan ay
nagkasabay sila sa isang lugar di ko kasi alam. Tuloy inaaway nila ako ngayon at
gusto ng makipag-break. Kaya nga kailangan ko ang iyong tulong.

Edgar

********************

Dear Edgar,

Walang kwenta ang liham mo kaya ayokong sagutin. Huwag ka ng susulat ulit dito at inaaksaya mo lang ang panahon ko, leche ka. Lalo pa man din at lalaki kang hayop ka, pagdasal mo na di ako makita ng dalawa mong tsiks. Pero dahil sumulat ka na rin lang, bigyan na rin lang kita ng words of wisdom:

P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot...I Love It!
Please, Please...I Need Erotic Stimulation!

Nagmamahal forever,
Guru Andres

********************

Dear Guru Andres,

Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi. Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang ako sa loob ng aking kuwarto. Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya. Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado niya ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!". Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha nang
aking tatay sa kababuyan na kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo!" Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos. Pagkalagpas ng ilang sandali ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita.
Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nag-iyakan. Masaya na kami ngayon at walang problema.

Lubos na gumagalang,
Badong

********************

Dear Badong,

Wala akong masabi sa liham mo kundi...PANALO!!!

Para sa iyo, Badong:
B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.

Nagmamahal forever,
Guru Andres

Hanggang dito na lamang po sa linggong ito, because I'm tired and I'm handsome. Sana ay antabayan niyo ang mga susunod pang liham na aking ilalathala dito. Nawa'y magpatuloy ang inyong pagdulog at pagsulat sa... "Dear Guru Andres" Ver 1.0.

Para sa aking crush na itatago ko na lang sa pangalang "Vanilla Milkshake Mocca Java", eto ang aking mensahe para sa yo:

P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet
Under Ecstacy.