Wednesday, March 11, 2009

New blogging space for Undressed

oo nga pala, may Multiply na nga pala ako at ang pangalan ko dun ay "Undressed Ako"... pero ngayong nagawa na itong Multiply para sa barkadahan namin, at sa malamang ay kaming dalawa lang ni Janus ang tatao sa site na to, mag mula ngayon ay dito ko na ipopost ang lahat ng mga kalokohan na makikita ko sa malawak na lupain ng Internet... gagamitin ko pa rin naman yung isa kong Multiply, pero siguro pang view lang ng mga kinakailangang updates tulad ng mga gig ni Sitti at Olivia, etc. hehehehe...

so mabuti pang simulan ko na sa pag post ng mga random na video na nadaanan ko sa mga nakalipas na araw... isa na rito ang bidyo ng isang talentadong bata sa larangan ng pagpo-Photoshop... kahit papaano ay nabilib ako sa video-portfolio nyang ito...




para naman sa mga nakamiss ng mga weirdong bagay na pinopost ko lagi, eto pa ang isang bidyo... kung tutuusin, hindi naman dapat ituring na weirdo itong bidyo na to dahil isa ito sa mga natural na pangyayari sa kalikasan... eto ang isang vidyo ng dalawang giraffe na nag-aaway...




and last, but not the least, to cap off my hat trick of videos for this post... are you planning on buying the right toilet bowl for your home but don't have enough knowledge about them to make the right choice? well, worry no more... the brand to choose is from St. Thomas Creations, with the Quattro flushing technology... watch a demo video here...


null - Watch more free videos

dahil maari palang ilagay ang blogger posts sa multiply, idadagdag ko na rin dito ang posts sa dati naming website. ang pinaka recent (oct 2006) ay ang pangangaral ng ating kapatid na kevin. ito ay noong panahong nahiwalay sya sa and others at nanumbalik ang kanyang pananampalataya. kaya lang napasama sya ulit samin kaya ayun... demonyo na ulit.

para sa mga nakaraang pagtatala dalawin lamang ang link na ito > LINK