Sunday, February 26, 2006

Wednesday 02/22/2006 4:35:16pm
Name: kris
URL:
E-mail:
Comment: helo irog ko!!! mis na kta!!! nand2 na ko ngbabalik mwuahhh






































Thursday, February 16, 2006

Medyo busy ako kaya di ko pa masundan ang "Dear Guru Andres" portion ng ating website... sabagay, aking hinihintay matapos ang aking kauna-unahang pelikula na lalabas mga ilang buwan na lamang... sa direksyon ng magaling at malusog na aming kaibigan si Gian "Mojacko" Mayuga... saka na ko babalik sa pagsusulat dito, sa ngayon ako'y magbabakasyon muna...

Ako naman ay nagagalak at aking binabati ang prodigal son ng AndOthers... ang nagbabalik na dating sugo ng Gintong Baka, si Kevin Jan (welcome kabayan)... At abangan nyo na rin ang kanyang mga sasabihin, ngayon meron na syang kinalalagyan dito sa website, ang "Brother Jan's Nook of Insight" portion, kung saan makakarinig tayo ng mga kuro kuro, mga pananaw, at mga kung anu-ano pa ukol sa mga bagay bagay na minsan sa ating mga hinihingang minuto dito sa mundo, ay ating hinahanap, o tinatalima, o tinatanong sa inyong sarili, o ginagamit na sagot sa Philo 1 exam, o pinambabara sa mga pilosopo, o iniisip habang nakikinig ng musika o di kaya'y umiinom ng kape sa Starbucks ng magisa, o pinag-uusapan ng inyong grupo habang kayo'y lasing sa alak, o inoobserbahan sa mga nag-aaway na palabas nina Brod. Eli at ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, o mga napapakinggan na tsismis ng mga tsismoso't tsismosa, o di kaya'y sinusulat sa ating mga diary, journal, blog, kwaderno, kokom band peper, iskrats peper, likod ng upuan ng bus, pera, sa banyo sa mismong harap mo na nasa taas ng urinal, sa likod ng pinto ng urinal na pinasukan mo, sa balat mo in the form of a tatoo... in short, life...

Sana maibigan at matuwa rin kayo sa "Brother Jan's Nook of Insight", gaya ng inyong pagka-aliw sa aking mga kagaguhan sa "Dear Guru Andres"...