"Bakit ka ba tinawag na 'Guru Andres'?"
Marahil... dahil ako ay isang "Guru"... pero dahil sa ala akong magawa ngayon, sige... pa-unlakan na natin at aking ipapaliwanag...
Ako ay nag-iisa na lamang na nabubuhay ngayon sa mundo, na pinagpalad na gabayan ng isang dalubhasa na nag-iisa na rin mula sa mga angkan ng Guru, namatatagpuan sa maliit na bansa ng Timbuktu, Aprika. Ang pangalan ng aking guro ay si Dencio. Dumaan ako sa maraming pagsubok at pagsasanay hanggang sa bininyagan nya ko at ipinasa nya ang kanyang pagka-"Guru" sa akin.
Malapit na rin akong mawala at may taning na ko, kaya nais kong ipasa ang aking pagka-"Guru" sa kung sino man na karapatdapat. Kung sa iyong palagay ay mayroon kang karapatan sa aking pagbibinyag at pagpapasa ng aking pagka-"Guru", eto ang isang pagsubok...
Kapag narinig mo ang katagang, "Di Lang Pampamilya, Pang Isports Pa", alam kong papasok sa isip nyo ang Family Rubbing Alcohol... O di kaya, pag narinig mo ang katagang, "For Olympic Energy", obyus na Milo na yun... O di kaya, "Superior Skin Germ Protection", SafeGuard diba?
E ano ang mga produktong nakatali sa mga katagang ito:
"Goodbye Carlo..."
"Put some E in your life..."
"...kakambal ko na si Kristine!"
Ayan, aking susubukan ang kalawakan ng inyong kaalaman sa mga commercials... I-download ang file sa ibaba, sagutan, at kapag nakakuha ka ng mataas (pasado ka pag nakakuha ka ng 99.99%), napasa mo na ang isa sa mga pagsusulit na binigay sa akin ni Guru Dencio na nagmula pa sa Timbuktu, Aprika... At kapag iyong pinadala sa aking email ang katunayan na ikaw ay nakapasa, mananalo ka ng isang autographed music CD ng upcoming band na "Whatever It Takes" (para sa mga bagsak, patawad pero sticker lang ang ma-ibibigay ko sa inyo)... Sa aking palagay, ang aking kanang kamay at isang trustworthy slave na si Steve "Three Times A Lady" Abbu lang ang karapatdapat sa aking pagbibinyag, pero ayoko siya eh... hanggang kanang kamay lang sya... malay mo, ikaw na ang susunod na mabibigyan ng titulong "Guru"...
Commercials
(kelangan ng Microsoft Excel para gumana yan, mga tagalupa)
Hanggang dito na lang at muli ko ng isinasara ang "Dear Guru Andres Ver. 1.6935841achu-chu-chu"... Paalam.