akin ding binabati ang matagal ng di nagpapakita na si Aloy, mabuhay ka kapatid... aking binibigyang pugay ang iyong paglabas sa ABC 5 sa palabas na Ultimate Pinoy, kung saan ay nakipagtunggali ka sa 2 pang ibang lalaki at kayo ay nagparamihan ng pagbuhat sa seksing aktres na si Maureen Larazabal... at kahit hindi ka nagwagi sa palakasan na iyon, panalo ka pa rin sa aming mga barkada mo... sabagay, panalo ka talaga dahil ang pwet ni Maureen ay nakatapat sa mukha mo at amoy na amoy mo siguro yon kaya winner ka talaga... maraming salamat na rin sa Fitness First shorts na aking natanggap mula sa iyo... para sa mga may balak magpapayat o di kaya'y magpalaki ng katawan, pumunta lamang sa Fitness First branch sa SM Fairview at hanapin si Aloysius Abad, your friendly neighborhood fitness trainer...
ngayong natapos na ang pangunang bati, simulan na natin ang pagsagot sa inyong mga katanungan:
"Ako po ay may kapatid na babae na bata pa at ang computer nya ay may sira. Hindi na po ito gumagana. Di ko po alam ang nangyari. Pwede ko po ba ipaayos ito sa inyo?
gumagalang,
Prudencio"
madali lang yan ayusin Prudencio... kumuha ka ng screwdriver na flathead at buksan mo ang computer ng kapatid mo... tignan mo muna kung maluwag ang pagkakakabit ng memory or RAM ng computer mo... amuyin mo ang loob para malaman kung may nasunog ba sa loob... kapag binuksan mo ba ang computer mo ay walang ilaw na bumubukas, kahit sa keyboard? may kuryente ba kayo? para malaman ay hawakan mo ang flathead na screwdriver mo at isaksak sa isang electrical outlet... text mo ako uli para malaman ko kung ano ang mangyayari ok?
D.I.L.I.M.A.N. = Dahil Itlog Lang Iniyot, Malaswa Ang Nangyari
*************************************************************************
"Pwede ko bang makuhanan ng litrato ng mga pwet ninyo para sa bubuksan na bar ng tatay ko?
love lots,
Aritha Zel"
medyo mahirap ang gusto mo mangyari iha, humihingi ako ng pasensya... andyan na sina Pio at Aloy na malakas ang loob, pero maski sila ayaw yata maghubad sa harap mo... may kanya kanya kaming dahilan kung bakit ayaw namin magpakita ng tumbong sa iyo... ulit, ay humihingi ako ng dispensa iha...
A.N.O.N.A.S. = Alaala Ng Operasyon Ni Aritha Sel hehehehe
*******************************************************************************
"Bakit ang yayabang nyo? Akala nyo kung sino kayong mga gwapo!
Anonymous Texter"
hindi kami mayabang, pero kupal talaga kami... o siguro ako lang ang kupal, sila mabait... pero gwapo nga kami... kaya nga kayo nagtyatyagang magtext sa amin eh, umaasa na mapansin namin kayo...
marami po akong nakukuhang mga text mula sa mga kung sino-sinong tao na ala naman talaga akong paki-alam at mayroon akong laging nakukuhang isang tanong mula sa mga taong ito at itong tanong na ito ay isa sa mga tanong na napakalalim at napupuno ng talinhaga...
"Pwede bang makipag textmate?"
ganun na pala ang mga tao ngayon... sa dinami-dami ng tao sa lugar nila, mas pipiliin pa nila makipagkaibigan sa isang tao na di nila kilala o nakikita at nakatira sa lugar na malayo sa kanila... may mga tao naman sa baranggay nila, sa kanilang paaralan, sa kanilang opisina, at sa kanilang probinsya... pero nakakatawang isipin na mas gusto nila makipag-usap sa isang taong malayo gamit ang pagtetext...
pero ganun naman talaga, may mga ganung klase ng tao talaga... mas malakas ang loob nila makipag-usap sa text dahil sa kung ano mang dahilan, ay nawawala ang kanilang kahiyaan... naturalesa lamang yan sa taong tulad nila... kapag sa mundo ng mga cellphone ay kaya nilang mang-istorbo, o di kaya mang-gago, o di kaya makipagkilala, o di kaya ay mangupal, o kahit ano pa man ang motibo nila, maaasahan mong sa totoong buhay ay di nila magagawa iyong mga bagay na iyon...
P.A.N.G.E.T. = kilala nyo na kung sino kayo hehehehe
**********************************************************************************
bago tayo ay mag paalam, bigyan pansin na natin ang mga bagong entry ng aming mga tagasubaybay sa Guestbook:
Tuesday 10/24/2006 3:54:32am | |
Name: | 0207 |
URL: | |
E-mail: | |
Comment: | hi steve.. i think you're cute..;) |
sino ka daw? gusto nya kasi malaman kung cute ka din daw eh... maaari bang malaman kung ikaw ay isang janitress ng isang kumpanya?
Sunday 10/22/2006 3:43:30am | |
Name: | lover ni andres po |
URL: | |
E-mail: | |
Comment: | crush ko din po si andres...kulang lng po sya sa kapusyawan pero ok na.gamit ka na lng po ng tide para medyo maputi kaw |
crush din kita... kulang ka lang sa kagandahan at ok sa kin yun... ala kang pwedeng gamitin para gumanda ka pa... siguro magsuot ka na lang ng plastic bag sa ulo mo... mahilig ako sa mga mukhang palingkera eh hehehehe...
Friday 10/06/2006 11:55:39pm | |
Name: | shi_maganda_daw_sabe_nila!!! |
URL: | http://vidalgurl.multiply.com |
E-mail: | |
Comment: | kras ko talaga c andres!!at khit di ko pa sya nkikita..naku..kras ko talaga..hehehe.. nice site...kya pla naman ipingmamalaki ni andres!!! oi...ka-kyut nun kalbo..ung nkashades... astig site nio mga tsong..check out mine if u want.. |
kras ka rin daw nung kalbo na tinutukoy mo, matindi kasi kamandag mo iha hehehe... sya ay umaasa na uuwi ka dito sa Pilipinas sa pasko para naman makipagkita daw sya sa iyo, kahit na magsimbang gabi lang daw kayo at kumain ng puto bumbong...
hanggang sa muli mga tagasubaybay at antabayanan ang muling pagbabalik ng "Dear Guru Andres:"...